Miyerkules, Nobyembre 6, 2013
KALIKASAN ATING PANGALAGAAN
Dito sa
kalikasan makakakuha tayo ng mga prutas at gulay at iba pang pangangailangan
natin sa araw-araw .Dito rin sa ating kalikasan ay may mga puno na ating
mapuputol upang gawing haligi ng bahay, mesa, upuan at iba pang mga pruduktong
gamit sa bahay pero hindi natin maaaring abusuhin ang pagputol ng mga puno.Sa
kalikasan maraming hayop na maaari nating hulihin upang gawing pagkain at produkto
at maraming dahon at ugat na maaari nating gawing gamot para sa sakit tulad ng
sipon at uboPero meron ding
mga tao na inaabuso ang kalikasan.gumagamit sila ng mga kagamitang nakakasira
sa ating kalikasan.Ang mga halimbawa nito ay paggamit ng hair spray,ito ay
nakakasira ng ozone layer.ang pagtatapon ng basura sa mga ilog,dagat,at lawa
pati narin kanal,dahil itoy nagdudulot ng pagbabara ng daluyan ng tubig at
dahil dito tataas ang tubig at baha.Bilang isang
bata kailangan nating pahalagahan an gating kalikasan at dapat ay lagi tayong
tumulong sa mgaproyektong makatutulong sa iagaganda ng ating kalikasan .dapat
ay lagi tayong sumusunod sa batas na tumutukoy sa kalikasan.Dapat ay palagi
tayong magtanim ng mga puno at iba pa.Panatilihin nating malinis ang paligid
para maiwasan ang ibat-ibang polusyon.Sa madaling salita ang kalikasan ay
mahalaga, dapat pagyamanin at dapat
nating ingatan.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento