Miyerkules, Nobyembre 6, 2013

KALIKASAN ATING PANGALAGAAN

Dito sa kalikasan makakakuha tayo ng  mga  prutas at gulay at iba pang pangangailangan natin sa araw-araw .Dito rin sa ating kalikasan ay may mga puno na ating mapuputol upang gawing haligi ng bahay, mesa, upuan at iba pang mga pruduktong gamit sa bahay pero hindi natin maaaring abusuhin ang pagputol ng mga puno.Sa kalikasan maraming hayop na maaari  nating hulihin upang gawing pagkain at produkto at maraming dahon at ugat na maaari nating gawing gamot para sa sakit tulad ng sipon at uboPero meron ding mga tao na inaabuso ang kalikasan.gumagamit sila ng mga kagamitang nakakasira sa ating kalikasan.Ang mga halimbawa nito ay paggamit ng hair spray,ito ay nakakasira ng ozone layer.ang pagtatapon ng basura sa mga ilog,dagat,at lawa pati narin kanal,dahil itoy nagdudulot ng pagbabara ng daluyan ng tubig at dahil dito tataas ang tubig at baha.Bilang isang bata kailangan nating pahalagahan an gating kalikasan at dapat ay lagi tayong tumulong sa mgaproyektong makatutulong sa iagaganda ng ating kalikasan .dapat ay lagi tayong sumusunod sa batas na tumutukoy sa kalikasan.Dapat ay palagi tayong magtanim ng mga puno at iba pa.Panatilihin nating malinis ang paligid para maiwasan ang ibat-ibang polusyon.Sa madaling salita ang kalikasan ay mahalaga, dapat  pagyamanin at dapat nating ingatan.